Posts

REAKSYONG PAPEL

         "MINSAN MAY ISANG DOKTOR"      Ang akdang "Minsan May Isang Doktor" na salin ni Rolando A. Bernales ay isang nakakaantig na kwento na sumasalamin sa dedikasyon at sakripisyo ng isang doktor sa kabila ng mga personal na pagsubok. Ipinapakita sa kwento ang pagpapahalaga ng doktor sa kanyang propesyon at ang mga hindi inaasahang kaganapan na nagiging bahagi ng kanyang buhay. Sa kabila ng mga personal na pagdadalamhati na kanyang nararanasan, patuloy niyang isinasagawa ang kanyang tungkulin upang magpagaling ng pasyente at magbigay ng pag-asa sa mga nangangailangan.       Ang pagdating ng Doktor na hingal na hingal upang gampanan ang kaniyang tungkulin, kahit na may mabigat siyang pinagdadaanan, ay isang kahanga-hangang pangyayari na nagbibigay sa atin ng inspirasyon at dedikasyon na mahalin at bigyan ng pasyon ang ating mga tungkulin, kahit na mayroon tayong pinagdadaanan sa personal na buhay. Sa kwento, natuk...